The home of the famous "DINO" Fried Chicken, but wait there's more....

“Tikman ang Ultimate Crispy Sarap ng Dino Fried Chicken!”
Affordable, delicious, at perfect sa pang-araw-araw na cravings mo!
Frytos of Manila – serve
masarap at abot-kayang Dino Fried Chicken, silog meals, at refreshing drinks!

“Tara, Kain Na!”Dino Fried Chicken:
“Crispy sarap na di mo malilimutan! Dinudumog ng lahat—Tikman mo na.”
Silog Meals:
- Tapsilog: Malambot na tapa, garlic rice, at sunny-side up egg. Saktong-sakto for breakfast!
- Longsilog: Sweet na longganisa na perfect sa hot rice at egg combo.
- Bangsilog: Crispy bangus with fried rice and itlog, pampabusog anytime of the day!
Refreshments:
“Cool down with our refreshing drinks—iced tea, soft drinks, at lemonade!”

“Madali Lang Umorder, Gutom Ka Na Ba?”Option 1: Order Online
“Pumili ng pagkain, at mareredirect ka sa aming messenger to assists your order.
Option 2: Call Us
“May tanong? Tawagan kami sa 0936 972 8760 for quick delivery!”
Option 3: Visit Us
“Malapit ka lang? Punta ka sa aming branch para sa mabilisang pick-up.”
Click Contact Us for the address.

Why Frytos?

From Humble Beginnings to Dino Fried Chicken Fame!

D' Frytos of Manila didn’t start with a big name or a fancy concept—nag-umpisa kami sa isang maliit na cart. The iconic Dino Fried Chicken wasn't even our idea at first! Isang customer ang nagsabi, "Boss, dito ba yung Dino Fried Chicken?" Natawa pa nga ako noon, pero sabi ko, "Uy, pwede nga ‘yun ah?"Bakit nga ba naging patok ang Dino Fried Chicken? It all began when we decided to sell the whole leg quarter ng manok dahil sa araw na ‘yon, maliit ang manok sa palengke. Nung pinagsama namin ang leg at thigh, napansin ng mga customer na parang "Dino" size siya—malaki at sulit!Hindi lang laki ang dahilan kung bakit gustong-gusto ng customers ang Dino Fried Chicken. Sa Frytos, kami mismo ang pumipili ng pinakamagandang quality ng manok—sariwa, malinis, at talagang inaalagaan sa bawat hakbang. We marinate each piece with a special blend of herbs and spices, making sure na ang lasa ay nasa mismong manok, hindi lang sa breading.Bakit Frytos?
Kasi sa bawat kagat ng Dino Fried Chicken, ramdam mo ang malasakit namin sa bawat order. Sariwa, malasa, at siguradong busog sa sarap! We take pride in offering meals na abot-kaya, perfect sa cravings ng bawat Pilipino, mapa-student man o empleyado.
D' Frytos of Manila is more than just a meal—it’s the story of passion, perseverance, and serving only the best for our community. Kaya, kung gusto mo ng malaking manok na masarap, dito ka na sa Frytos of Manila!

CUSTOMER TESTIMONIALS AND VBLOGS

About Us

D' Frytos of Manila

Saan Ba Galing ang Sarap ng Frytos?
Nag-umpisa ang Frytos of Manila mula sa isang simpleng cart, pero dahil sa aming malasang Dino Fried Chicken at silog meals, mabilis kaming nakilala at minahal ng aming customers. Isang aksidenteng pangalan mula sa aming customer ang naging dahilan para ipanganak ang Dino Fried Chicken—malaking piraso ng leg quarter na sinakto sa timpla ng 10 herbs and spices, kaya siguradong bawat kagat ay lasang-lasa!

OUR FIRST EVER
FOOD CART

OUR FIRST EVER FOOD CART

BUSINESS DESCRIPTION

Ngayon, mas pinalawak pa namin ang menu! Bukod sa Dino Fried Chicken, naghahain din kami ng Silog Meals, Burgers, Hotdog Sandwiches, at Refreshments—lahat ng ito, abot-kaya pero hindi tinipid sa lasa.

MISSION

Dito sa Frytos of Manila, ang goal namin ay simple: ihatid sa inyo ang pagkain na exceptional ang quality at sulit ang presyo. Lagi kaming nagsusumikap na magbigay ng pagkain na hindi lang basta busog kundi talagang masarap.

VISION

Layunin naming maging kilala sa buong Manila at higit pa. Gusto naming itaguyod ang Frytos bilang prominenteng pangalan sa food industry, na kung saan ang bawat kain ay laging "sulit sa sarap."

OUR FIRST EVER FOOD CART

OUR PLACE NOW AND STILL EXPANDING

Ang Sarap ng Frytos, Tikman Na!
Sa bawat order, ramdam mo ang pagmamahal namin sa pagluluto—mula sa sariwang manok na marinated ng maayos, hanggang sa simpleng breading na hindi tinipid. Kung gusto mo ng masarap at sulit na pagkain, dito ka na sa Frytos of Manila.

PROMO

Sulit Promos na Para sa'yo!

Promo 1: SOLO PERO TODO

Solo? Pero parang pang-ilang tao? Get our Dino Fried Chicken for only ₱95! Pang busog lusog sa tyan!”

Promo 2: DINO CHICKEN MO KASAMA NA RICE MO

One meal na deal na deal.
Get our Dino Fried Chicken + Rice for only ₱110! Ang saya, 'di ba?”

Promo 3: BEST DEAL EVER

Get our Dino Fried Chicken + 2 Rice + free softdrinks for only ₱129! Panalo to!

For more update on our promos kindly fill up the form below.

For faster transaction and future promos, please subscribe us

Contact Us

Our outlets near you!